Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sultanate ng Sulu ibang stakeholders etsapuwera sa BBL

SINERMONAN ni Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., chairman ng Senate Committee on Local Government, ang mga opisyal ng Office of the Presidential Affairs on Peace Process (OPAPP) dahil hindi isinama o naimpormahan ang mga sultanate ng lalawigan ng Sulu at iba pang stakeholders sa pagsulong ng Bangsamoro Basic Law (BBL). 

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado, hindi napigilan ni Marcos na sabonin si OPAPP Usec. Jose Lorena makaraan mapakinggan ang hinaing ng mga sultan ng Sulu na dumalo sa pagdinig, na hindi sila isinama o naimpormahan ng gobyerno sa pagsusulong ng BBL.

Sinabi ni Marcos, sa kanilang isinagawang mga pagdinig sa Sulu at Zamboanga, nabatid na hindi isinama sa kasunduan ang mga lokal na pamahalaan at sultanate sa BBL sa kabila na sasakupin ang mga naturang lugar sa usapin na isinusulong Moro Islamic Liberation Front (MILF). 

Mas lalong hindi napigilan ng senador na sabunin si Usec. Lorena nang mapakinggan ang hinaing ng mga sultanate ng Sulu sa pagdinig, na nagsumite ng petition paper ang Organization of Teduray and Lambangian Conference (OTLAC) Inc. na kinabibilangan ng mga grupo ng Sultan at mga katutubong Muslim, kaugnay sa mariin nilang pagtutol sa pagpasa ng BBL na hindi man lamang na-amyendahan.

Tutol ang mga Sultanate of Sulu, mga katutubo at mga lokal na pamahalaan ng Zamboanga na isama sila sa BBL gayondin sa probisyon na papalitan ang pangalang Sulu sea sa Bangsamoro sea.

Niño Aclan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …