Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

69-anyos ex-accountant biktima ng rape-slay

HINIHINALANG ginahasa muna bago pinatay ang isang 69-anyos retiradong accountant na natagpuang walang buhay sa loob ng kanyang bahay kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Duguan, punit-punit ang damit at walang saplot na pang-ibaba ang biktimang kinilalang si Rodora Cabalitan, retired accountant ng Commission on Audit (CoA), at residente ng Block 4, Kamada Torcillo, Brgy. 28 ng nasabing lungsod, nang matagpuan sa ikalawang palapag ng kanyang bahay.

Batay sa ulat ni PO3 Michael Anthony Ramirez, dakong 9 p.m. nang matagpuan ang nakahandusay na biktima sa mga tambak ng lumang diyaryo.

Salaysay ni Emily Rufong, 51, kapitbahay ng biktima, noong Mayo 19 pa nila huling nakita ang biktima kaya nagtaka sila nang hindi na lumabas ng bahay dahil mag-isa lamang ang ginang na namumuhay mula nang makipaghiwalay sa asawa at wala silang anak.

Kasama ang mga barangay tanod, sinilip nila ang bahay ng biktima at nakitang wala nang buhay ang ginang.

Ayon sa ilang kaanak ng biktima na dumating sa pinangyarihan ng insidente, walang naikukuwento si Cabalitan na may nakaaway o nakagalit sa lugar.

Patuloy na sinisiyasat ng mga awtoridad kung may nawala sa mga gamit o pera ng biktima at inaalam kung sino ang maaaring suspek sa krimen.

Rommel Sales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …