Sunday , December 22 2024

4 miyembro ng pamilya minasaker sa Davao

DAVAO CITY – Patay sa saksak ang apat katao, kabilang ang dalawang bata, sa Phase 4, Residencia del Rio Subdivision, Catalunan Pequeño, Davao City.

Ayon kay Senior Supt. Vicente Danao Jr., direktor ng Davao City Police Office, posibleng 3 a.m. nang maganap ang krimen.

Kinilala ang mga biktimang sina Virginia, 58; alyas Boy, 40, at dalawang bata na kinilalang sina Inday at Dongkoy.

Nakabaon pa ang patalim sa katawan ng isa sa mga biktima nang matagpuang walang buhay.

Nabatid na nagtatrabaho sa Japan ang ina ng mga bata.

Isang Ramon Toria, call center agent, ama ng isa sa mga biktima, ang humingi ng tulong sa kanyang mga kapitbahay makaraan madatnan na duguan at wala nang buhay ang kanyang pamilya.

Sinabi ng isang bata, may nakita siyang tatlong kabataan na pumasok sa bahay na may mga dalang kutsilyo. Hindi nagtagal ay narinig niya ang sigaw ng isang babae.

Inilarawan ng saksi na blonde ang buhok ng isa sa mga suspek at mabilis na sumakay ng motorsiklo palayo sa lugar.

Ang nasabing bata ay inutusan ng kanyang ina na pumunta sa tindahan dahilan upang makita niya ang mga suspek.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing krimen. (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *