Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Roxas manok ng LP sa 2016  — Palasyo

SI Interior Secretary Mar Roxas pa rin ang manok ng Liberal Party sa 2016 presidential derby, ayon sa Palasyo.

“LP obviously prefers their own candidate. LP prefers Secretary Mar Roxas,” sabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda hinggil sa kursunada ng administration party na magpatuloy  sa  “daang matuwid” ng  gobyernong Aquino.

Gayonman, igagalang at susundin aniya ng buong kasapian ng LP kung sino man ang ieendoso ni Pangulong Aquino na 2016 presidential bet na ihahayag sa susunod na buwan.

“They will respect, follow, and adhere to the decision of the President,” aniya.

Naniniwala si Lacierda na ang dapat na gamiting batayan ng mga botante sa pagpili ng kandidato ay katapatan at karanasan, imbes magbase lang sa personalidad.

Nasubukan na aniya ng bansa na magkaroon ng pinuno na may integridad kaya’t ang mahalaga ay maipagpatuloy ang magagandang reporma na nasimulan ng administrasyong Aquino upang maiangat ang buhay sa Filipinas.

Rose Novenario

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …