Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Number coding sa PUVs tinutulan ng MMDA tanggalin

TUTOL ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na tanggalin ang number coding scheme sa mga pampublikong sasakyan o public utility vehicles (PUV), dahil higit na magiging mabigat ang daloy ng mga sasakyan sa Metro Manila.

Ito ang reaksiyon kahapon ng MMDA hinggil sa inihihirit ng isang grupo ng PUVs na huwag silang isama sa coding scheme na ipinatutupad sa Kalakhang Maynila. 

Aniya, hindi magandang ideya ang isinusulong ng grupo na alisin ang number coding scheme sa PUVs.

Kahit aniya may ipinatutupad ng number coding ang MMDA, nakararanas pa rin ng pagsikip sa trapiko sa pangunahing mga lansangan ng Metro Manila.

Kapag aniya inalis pa ito sa mga PUVs ay lalo pang titindi ang mabigat na daloy ng mga sasakyan sa Metro Manila.

Kaya’t ang hamon ng MMDA sa public transport sector, magbigay sila ng ebidensya na magpapatunay na hindi makaaapekto sa kasalukuyang sa trapiko ang kanilang panukala.

Bumuo ng alyansa ang iba’t ibang grupo ang hanay ng transportasyon para isulong na i-exempt sila sa number coding scheme.

Katwiran nila, nagkukulang ang PUVs sa Metro Manila lalo na kapag rush hour at sa pitong milyong sasakyan sa buong bansa, 14 porsiyento lamang ang mga pampublikong behikulo.

Katwiran ni Lino Marable ng Coalition of Operators and Drivers of UV Express, sayang ang nawawalang kita sa kanila sa mga araw na limitado ng coding scheme ang kanilang biyahe. Nabatid na kasama ang operators ng mga bus, taxi, jeep at truck sa alyansang binuo ni Marable para ipanawagang huwag silang isama sa number coding scheme.

Jaja Garcia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …

Dennis Roldan Paolo Gumabao Spring In Prague

Dennis pangarap sa anak na si Paolo para magbida natupad

RATED Rni Rommel Gonzales NATUPAD ang pangarap ni Dennis Roldan para sa anak na si Paolo Gumabao. Kapag …