Sunday , December 22 2024

30 bata sugatan sa karambola ng jeep, 2 bus sa Coastal Road

SUGATAN ang 30 pasahero karamihan’y mga bata makaraan maputukan ng gulong ang sinasakyan nilang jeep hanggang salpukin ito ng dalawang pampasaherong bus sa Las Piñas City, kahapon.

Agad isinugod ang mga sugatan sa San Juan De Dios Hospital. 

Sa sketchy report ng Las Piñas City Traffic Enforcement Unit, naganap ang insidente dakong 12:20 p.m. sa Northbound lane ng Coastal Road ng naturang lungsod.

Sakay ang 30 pasahero sa isang jeep (CHR-487) mula sa Cavite makaraan makipaglibing, ngunit habang binabagtas ang naturang lugar ay pumutok ang kanang gulong nito dahil overloaded.

Sa lakas ng impact, nagpagulong-gulong ang jeep dahilan upang masalpok ito ng paparating na Saulog Transit (ULW-696) na minamaneho ni Romnick Quitor.

Muling nagpagulong-gulong ang jeep at nasalpok ng isa pang paparating na bus, ang Jaspor Gem (TYP-886) na minamaneho ni Pedrico Gimona.

Agad tumakas ang driver ng jeep habang ang driver ng dalawang bus na sina Quitor at Gimona ay kapwa nasa kustodiya na ng Las Piñas City Traffic Enforcement Unit.

Jaja Garcia

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *