Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maayos na implementasyon ng Candaba projects, pinuri ng DILG

PINURI ni Department of Interior and Local Government Secretary Mar Roxas ang munisipalidad ng  Candaba sa Pampanga bilang isa sa pinakaorganisadong local government unit (LGU) pagdating sa pagbibigay ng prayoridad at implementasyon ng mga proyekto para sa mamamayan.

Ayon kay Roxas, batid ng Candaba LGU sa pangunguna ni Mayor Rene Maglanque kung anong mga programa at proyekto ang kailangan ng mga nasasakupan nito tulad ng mga kalsada, tulay, day care at health centers, at ang huling nadagdag na P32 milyong ospital ng munisipyo.

Pinuri niya ang munisipalidad sa wastong paggamit ng  local development fund na inilaan para sa pangangailangan at kapakanan ng mamamayan.

Pinasinayaan din ni Roxas ang bagong ospital ng munisipalidad sa Barangay Pasig, Candaba na mayroong modernong kagamitan na epektibong makatutugon sa pangangailangang medikal ng mga pasyente hindi tulad noon na kailangan maglakbay ang taga-Candaba ng 20-30 kilometro bago makapagpagamot sa ibang bayan at lungsod.

“Ang ospital na ito ay simbolo ng pag-asa at pagbangon ng Candaba. Ngayon, makikita na talaga natin ang sigla dahil nandito na mismo ang ospital sa lugar ninyo. Kayo ang gumawa nito at kayo ang boss sa tinatahak nating tuwid na daan,” sabi ni Roxas sa taga-Pampanga.

Nagkaloob din si Roxas ng tseke para mga proyektong pinondohan ng Bottom-up Budgeting (BuB) program ng DILG sa anim na LGUs kabilang ang mga impraestruktura para sa disaster risk reduction management, konstruksiyon ng mga kanal at tulay at proyekto para sa malinis na suplay ng tubig. 

“Wala po tayong pinipili kahit pa man ibang chaleco ang suot nila, basta walang maiiwan sa tuwid na daan,” dagdag ni Roxas.

  1. Borlongan
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …