Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Outing ng pamilya naging trahedya (Sasakyan swak sa bangin)

DAGUPAN CITY – Hindi inaasahan ng mag-anak na mauuwi sa trahedya ang masaya sana nilang outing nang mahulog sa bangin ang kanilang sasakyan sa isang resort sa San Fabian, Pangasinan kamakalawa.

Agad binawian ng buhay ang isang Anselmo Cayabyab, 48-anyos.

Habang sugatan ang kanyang mga kaanak na sina Erlinda Tucay, 65; Remidios Mosarbas, 67; Consorcia Bautista, 45; Alicia Fernandez, 31; Alver Fernandez, 3; Ken Tristan Mosarbas, 7; Judith Bautista, 43; Ana Doreen Bautista, 16; Rachelle Ramos, 29; Ervin Cayabyab, 15; Enrique Cayabyab; at Renato Prado, 36-anyos.

Ayon sa impormasyon, nasa loob na ng isang resort sa Brgy. Colisao sa nabanggit na bayan ang sasakyan ng mga biktima nang senyasan ng isa sa mga tauhan ng resort na magparada sa bakanteng basketball court ngunit nagkamali ng pagtantiya sa pagliko ang driver na si Prado dahilan upang mahulog sa bangin ang sasakyan.

Isinugod sa pagamutan ang mga biktima ngunit idineklarang dead on arrival si Cayabyab.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng sasakyan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …