Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sekyu nagwala nahulog mula 16/F nalasog

PATAY noon din ang isang security guard ng isang condominium makaraan mahulog mula ika-16 palapag habang bumaba sa bintana ng isang unit gamit ang bedsheets makaraan magwala sa lungsod Quezon kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng  Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), kinilala ang biktimang si Malton Baldosa, security guard ng Kaakibat Security Agency, at stay-in sa binabantayang condominium.

Sa imbestigasyon ni PO2 Rhic Roldan Pittong, nangyari ang insidente sa Victoria Tower sa Panay Avenue, Brgy. Paligsahan, dakong 2:30 a.m.

Nauna rito, ipinagbigay-alam ng condominium lobby guard na si Zhan Kiram sa mga kasamahang security guard na sina Ronaldo Pura at Nilo Perez na alamin ang itinawag sa kanya ng isang tenant mula 16th floor na nagwawala si Baldosa habang may hawak na tubo at binasag ang ilaw sa elevator.

Bukod dito, ginulo ni Baldosa ang tatlong residenteng nakatira sa mga unit nito.

Pagdating nina Pura at Perez sa 16th floor, nakita nila ang isang pintuan sa unit-1602 na nakabukas at nagkalat ang gamit at nakita rin nila si Baldosa na naglalambitin sa labas ng bintana gamit ang bedsheet, hanggang sa tuluyang dumausdos  paibaba.

Agad binawian ng buhay si Baldosa bunsod nang matinding pinsala sa katawan.

Almar Danguilan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …