Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Holdaper utas sa pulis

NAPATAY ang 22-anyos lalaki nang nagrespondeng pulis makaraan holdapin ang isang empleyado kamakalawa ng gabi sa Muntinlupa City.

Hindi na umabot nang buhay sa Ospital ng Muntinlupa sanhi ng tama ng bala sa katawan ang suspek na si Paulo Drio, nakatira sa 2317 Magenta St., Goodwill, Homes 2, Sucat, Parañaque City.

Habang ang biktima ay kinilalang Alex Lagaa, 26, HR officer, at nakatira sa Hatmonica Bldg., Rhapsody Residences, Brgy. Buli, Muntinlupa City.

Ayon sa pulisya, dakong 11:40 p.m. nang maganap ang insidente sa Saucat Intechange, West Service Road, Brgy. Sucat, Muntinlupa City.

Patawid ng kalsada si Lagaa nang bigla siyang tutukan sa leeg ng dalawang suspek na armado ng kutsilyo at icepick sabay deklara ng holdap habang ang pangatlong kasama ng mga salarin na armado rin ng icepick, ay nagsilbing look-out.

Nang kukunin ng mga suspek mula kay Lagaa ang kanyang bag ay tumanggi siya dahilan upang saksakin siya ni Drio ngunit nailagan ng biktima.

Nagkataong nasa lugar si PO2 Herminigildo Gajeto, nakatalaga sa Regional Police Holding Accounting Unit (RPHAU), kaya agad nagresponde.

Makaraan magpakilalang pulis, tinangka ni PO2 Gajeto na pasukuin ang mga suspek ngunit nanlaban si Drio kaya napilitan siyang barilin habang mabilis na tumakas ang iba pang mga salarin.

Isinugod ni PO2 Gajeto sa ospital si Drio ngunit idineklarang dead on arrival.

Manny Alcala

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …