Monday , December 23 2024

Pacman panalo vs Floyd — US website

NAGLABAS ng punch statistics ang isang website sa Amerika upang ipakita na suwerte lamang si U.S. undefeated boxing champion Floyd Mayweather Jr., na nakalusot kay 8 division boxing champion Manny Pacquiao sa pamamagitan ng unanimous decision.

Ang nasabing website ay ni-review nang mabuti ang video noong Mayo 2 at dahan-dahan nilang binilang ang bawat suntok ng dalawang boksingero.

Isinagawa ito sa pamamagitan ng frame by frame at slow motion.

Ginawa ang hakbang ng Boxing News 24 dahil marami ang nadesmaya nang lumabas na 20 porsyento lamang daw ang napakawalan na suntok ni Pacquiao at 9 percent ang mga jabs na nakapasok.

Binigyan-diin sa naturang pag-aaral na kung tutuusin ay mauuwi lamang sa draw ang laban.

Kung sakali naman na ang second round ay parehas ang score sa 10-10 at sa ninth round ay 9-10, makikitang malinaw na panalo si Manny.

Sa naturang website, ang punches thrown ni Floyd ay may kabuuang 471 habang 414 kay Manny.

Sa punches landed ay abanse pa si Pacman na may 23.4 percent samantala si Mayweather ay nasa 14.5 percent.

Sa kanilang sariling scorecard lumabas ang 14-14 o draw sa pagitan ng magkaribal.

Una rito, umani ng batikos ang final tallies ng tatlong official judges, na pinaboran lahat si Mayweather: Glenn Feldman 116-112; Burt Clements 116-112; Dave Moretti 118-110.

Kabilang sa findings: ang laban ay masyadong “close” taliwas sa paningin ng judges lalo na si Morette at ibang analyst; maraming rounds ang mahirap ang scoring dahil dikitan ang punch stats na agad inilabas makaraan ang laban ay kahina-hinala; ang claim ni Pacquiao na sa tingin niya ay panalo siya ay tama lamang; at wise si Mayweather na laging sa kanyang hometown ang laban sa Las Vegas.

dailymail

Pacman bawal muna kamayan

INABISOHAN ang mga sasalubong kay Manny Pacquiao na kung maaari ay ‘wag muna siyang kakamayan dahil nagpapagaling pa mula sa operasyon sa kanang balikat.

Si Pacman ay inaasahang darating ngayong madaling araw sa Metro Manila at sa Huwebes ay naghihintay rin sa kanya ang hero’s welcome sa General Santos City at Sarangani province.

Ayon kay Glenda Narcilla, chief of staff ni GenSan Mayor Ronnel Rivera, nanawagan na sila sa local government officials at sa fans na nais na makalapit sa eight division world champion na iwasan muna na makipagkamay sa pambansang kamao.

Sumailalim sa operasyon noong nakaraang linggo sa Los Angeles si Manny dahil sa napunit na rotator cuff sa kanyang balikat.

Ang kanyang injury ay muling bumalik sa 4th round sa laban kay Floyd Mayweather Jr., kaya nabawasan ang magandang performance ng Filipino ring icon.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *