Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

 ‘Snatcher’ sugatan nang mabundol ng biktima

SUGATAN ang isang hinihinalang snatcher makaraan mabundol ng kanyang biktima sa kanto ng E. Rodriguez at Tomas Morato sa Quezon City kamakalawa.

Kuwento ni Delia Leung, lulan siya ng kanilang sasakyan nang hablutin ng naka-motorsiklong suspek na si alyas Ben ang kanyang mamahaling bag na may lamang pera at mga alahas. 

Batay sa paunang imbestigasyon, hindi pa nakalalayo si Ben nang maipit sa trapik at mawalan ng kontrol sa motorsiklo.

Nagkataong paparating ang sasakyan ng humabol na biktima at nasagi ang papatakas na suspek. Dahil dito, pumailalim sa sasakyan si Ben at nasakote ng mga nakapaligid na tao.

Giit ni Joseph Leung, asawa ng biktima, “Hindi ko naman s’ya gustong sagasaan e. Gusto ko lang makuha ‘yung bag, e tumama s’ya.”

Itinanggi ni Ben ang paratang sabay giit na, “Tumulong lang ako. Ako ‘yung humabol sa snatcher, ako pa ‘yung binangga nila.”

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …