Monday , December 23 2024

Villar SIPAG naglunsad ng chorale festival Para kay San Ezekiel Moreno

Healing and Faith.

Ito ang tema ng contest piece ng mga chorale  groups na lumahok sa Choral Festival competition na itinataguyod ng Villar SIPAG (Social Institute for Poverty Alleviation and Governance)  sa paggunita sa 167th birthday ng “healing saint” na si  San Ezekiel Moreno nitong Abril 23. May kabuuang P150,000 cash ang premyong ibinigay sa mga nanalo sa singing competition.

Tumanggap ang Bataan State University Chorale ng P60,000 cash matapos ideklarang Grand Champion.

Ang iba pang nanalo at ang kanilang  mga premyo ay Koro Ilustrado (Forbes Park), 1st runner-up; P40,000 cash, TIP Chorale Society, 2nd runner-up.

Ang ibang lumahok na tumanggap ng tig-P5,000 cash ay PUP Bagong Himig Serenata, Tarlac State University Chorale, Bulacan State University Saring Himig Chorale, Lyceum of Alabang Chorale and  Koro Las Piñeros (Las Piñas City).

Naging judges sa patimpalak sina Prof. Gerry Dadap, Mr. Jack Uy at Prof. Armando Salarza. 

Idinaos ang patimpalak ganap na 9:00 ng umaga noong Abril 23 sa Santuario de San Ezekiel Moreno, Villar SIPAG, C5 Road Extension, Pulang Lupa, Las Piñas City.

Nagkaroon ng audio visual presentation tungkol sa buhay ni San Ezekiel Moreno bago ang patimpalak.

Inaanyayahan nina dating Senate President Manny Villar, Sen. Cynthia Villar at Las Piñas Rep. Mark Villar ang mga chorale groups na lumahok sa patimpalak.

Si Rep. Mark Villar ang nagbigay ng welcome remarks habang si Sen. Villar ang nagbigay ng closing remarks.

 Pinangunahan ni Fr. Ricky Pacoma ang Invocation na sinundan ng national anthem na inawit ng Las Piñas Choir Boys.        

 Bukas ang patimpalak sa lahat ng community-based chorale groups sa buong bansa. Ang mga kasapi ng choir ay edad 16-22, babae at lalaki.

 Itinakda ang mga criteria sa paghusga ang sumusunod: Interpretation- 30%; Delivery, 30%; Stage Presence, 20%; Costume and Sounds, 10% at Mastery of piece, 10% o may kabuuang 100% 

Niño Aclan

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *