Monday , December 23 2024

Mag-ama patay sa hagupit ni Dodong (Sa Aparri, Cagayan)

KINOMPIRMA ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na dalawa ang namatay sa paghagupit ng bagyong Dodong.

Sa press briefing ng ahensiya nitong Lunes ng umaga, inihayag nila na namatay ang mag-ama nang makoryente habang nag-aayos ng bubungan nila sa Cagayan nitong Linggo.

Kinilala ang mga biktimang sina Rogelio Paa, 74-anyos, at si Neil Paa, 46, mga residente ng Brgy. Mabanguc sa Aparri, Cagayan.

Dahil sa isang service drop wire kaya nakoryente ang dalawa, ayon sa pulisya.

Naisugod pa ang mga biktima sa Bangag Medicare Hospital ngunit hindi na umabot nang buhay.

Sa Sta. Ana, Cagayan nag-landfall ang Bagyong Dodong dakong 4:45 p.m. nitong Linggo.

Storm signal nakataas pa rin sa 4 lugar (Dodong bahagyang bumilis)

BAHAGYANG bumilis ang Bagyong Dodong habang kumikilos papalayo ng bansa kahapon.

Nananatili ang lakas ng hangin ng bagyo sa 160 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 195 kph.

Balik ang pagkilos ng bagyo sa 20 kph pa-hilaga hilagang-kanluran at huling namataan sa layong 65 kilometro hilaga hilagang-silangan ng Basco, Batanes.

Papalayo man sa bansa, apat na lugar pa rin sa Northern Luzon ang nasa ilalim ng babala ng bagyo.

Asahan pa rin sa mga naturang lugar ang malakas na pag-ulan at hangin maging sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa. 

Gayonpaman, inalis na ng PAGASA ang banta ng storm surge sa ano mang bahagi ng bansa.

Nakikinita ng PAGASA na hihina sa susunod na mga sandali ang bagyo dahil sa wind shear at tatahakin na ang diretsong hilagang-silangan.

Inaasahan pa ring ngayong umaga lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) si Dodong.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *