Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

De Lima binalaan ng ‘pork barrel scam’ lawyer (Sa usad-pagong na pagsasampa ng kaso)

IGINIIT ng dating abogado ng whistleblower na si Benhur Luy, sa Department of Justice (DoJ) na huwag isantabi ang pagsasampa ng kaso sa third batch ng mga sangkot sa pork barrel scam dahil sa sinasabing mas importanteng kasong kailangang lutasin.

Sa press conference sa Ermita, Maynila kamakalawa, ipinanawagan ni Atty. Levito Baligod na isampa na ni  Justice Secretary Leila de Lima ang kaso sa third batch ng mga sangkot sa PDAF scam na ilang taon na ang nakalilipas ay wala pa ring aksiyon ang DoJ.

Magugunitang noong Hunyo 2014, sinabi ni De Lima na ilang linggo na lamang ang bibilangin at maikakasa na ang kaso sa Office of the Ombudsman.

Kabilang sa third batch ng mga kakasuhan ay mga alyado ng kasalukuyang administras-yon.

Binigyan ni Baligod ng palugit si De Lima nang hanggang Hunyo ng kasalukuyang taon sa pagsasampa ng kaso.

Kung hindi aniya uusad ang proseso ay siya na mismo at ang kanyang grupo ang maghahain ng kaso sa Office of the Ombudsman.

Kinompirma niyang kabilang sa third batch ng mga kakasuhan ang 34 kongresista na hindi niya pinangalanan, ngunit walang kasamang senador.            

Ulat nina Mary Joy Sawa-An, Darwin Macalla, at Joshua Moya

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …