Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Massage therapist arestado sa rape  

ARESTADO sa kasong panggagahasa ang isang 22-anyos massage therapist sa bahay ng kanyang kamag-anak kamakalawa ng hapon sa Sampaloc, Maynila.

Ayon kay Supt. Mannan Muraip, station commander ng MPD-PS 4, nakatakdang i-turn-over sa Regional Trial Court ng Ligao, Albay ang suspek na si Maximino Prollamante,  residente ng Binanowan, Ligao City.

Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Ignacio Barcillano Jr. ng  Regional Trial Court Branch 13, 5th Judicial Region ng Ligao City, Albay para sa dalawang counts ng rape at paglabag sa Sec. 5 (b) ng Republic Act 7610 (Child Abuse).

Nauna rito, nakatanggap ng impormasyon ang pulisya na nagtatago sa bahay ng kanyang kamag-anak ang suspek sa Simoun St., Sampaloc, Maynila.

Dakong 12:50 p.m. nang maaresto ng mga pulis sa pangunguna ni Insp. Jerry Bravo, ang suspek habang nakatambay sa panulukan ng Maceda St. at Makiling St., Sampaloc, Maynila.

Ang nasabing kaso ay isinampa sa suspek noong nakalipas na taon sa Albay.

Leonard Basilio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …