Thursday , June 4 2026

Wanted na bomb expert Basit Usman patay na

KINOMPIRMA kahapon ni AFP Western Mindanao Command (Wesmincom) chief, Lt. Gen. Rustico Guerrero, nabaril at napatay ng mga sundalo mula sa 6th Infantry Division ang most wanted na Filipino bomb expert na si Abdul Basit Usman sa may bahagi ng Guindolongan, Maguindanao.

Ayon kay General Guerrero, nasa proseso pa rin ang Wesmincom sa pagkalap ng mga detalye kaugnay sa pagkamatay ni Usman.

Nabatid sa ulat, nakasagupa ng mga sundalo ang grupo ni Usman bandang 11:30 a.m. kahapon.

Bukod kay Usman, patay rin ang dalawa niyang kasamahan.

Magugunitang nakatakas si Usman nang salakayin ng mga tropa ng PNP Special Action Force (SAF) ang kanilang kubo noong Enero 25 sa Mamasapano, Maguindanao ngunit si Marwan ay napatay ng SAF troopers.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …