Sunday , December 22 2024

Mindanao walang brownout sa laban ni Pacman — NEA

TINIYAK ng National Electrification Administration (NEA) na walang mararanasang brownout sa buong Mindanao sa laban ni Manny Pacquiao sa Linggo, Mayo 3.

Sinabi ni NEA Administrator Edith Bueno, dahil isang malaking event ang bakbakang Pacquiao-Floyd Mayweather Jr. ay pinaghandaan na ito ng mga electric cooperative.

Bukod dito, panigurado aniyang may generator sa mga gym at iba pang lugar kung saan magkakaroon ng libreng livestreaming ang mga lokal na opisyal.

“Nothing to worry kasi taga-Mindanao rin si Congressman Pacquiao so the more people will really want to see him,” dagdag ng NEA chief.

Una nang naiulat ang araw-araw na rotating brownout sa ilang bahagi ng Mindanao dahil sa kakulangan ng suplay ng koryente ng mga kooperatibang Zamsureco 1, Zamsureco 2, Zamcelco, Cotelco, Sukelco, Aselco at Surseco 1.

Habang siniguro ng Department of Energy (DoE) na hindi magkaka-brownout sa Luzon at Visayas sa Linggo.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *