Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hijack bulilyaso sa driver na ‘di lisensiyado (3 arestado)

BIGONG maidispatsa nang tuluyan ng dalawang itinurong hijacker  ang kanilang mga dinambong na television sets nang masita sa isang police checkpoint at walang naipresentang lisensiya at dokumento ng sasakyan sa Tondo, Maynila kamakalawa.

Kinilala ang mga naarestong hijacker na sina Aljohn Villanueva, 28, ng Balut, Tondo; at Rodolfo Teodosio, 50, ng Valenzuela City.

Kasunod na naaresto ang pinaniniwalaang financier at bumibili ng mga ninakaw na telebisyon na si Joseph Francis Lim, 20, residente rin sa Tondo.

Sa Imbestigasyon ng pulisya, nabatid na nasabat nila sa checkpoint operation sa kanto ng Jose Abad Santos Ave., at New Antipolo St., Tondo, ang minamanehong  ISUZU close van (RJK 787) ni Villanueva ngunit walang naipakitang  lisensiya at rehistro ng sasakyan.

Habang tinatanong si Villanueva, bumaba sa kanyang sasakyan si Teodosio para sabihin na kasama niya ang una, ngunit nang hanapan ng lisensiya at rehistro ay wala rin naipakita.

Agad dinala ng dalawa sa estasyon ng Manila Police District – Police Station 7 (Abad Santos) para sa imbestigasyon.

Habang iniimbestigahan ang dalawa, napadaan sa estasyon ang sekretarya ng Wei Dynamic Technology na si Mylene Alcano at nakita roon ang sasakyan ng kompanya.

Ayon kay Alcano ang kanilang company truck ay na-hijack  sa  D. Tuazon,  Quezon City nitong Abril 27 dakong 5:30 a.m.

Sa interogasyon, umamin sina Villanueva at Teodosio na dinala nila kay Lim ang nga ninakaw na Astron at Pensonic TV na pinaniniwalaang nasa 50 units at nagkakahalaga ng P.4 milyon.

Kasalukuyang nakadetine ang tatlong suspek sa MPD PS7 habang inihahanda ang kasong  paglabag sa RA 4136 (driving without license) at PD 532 (Highway Robbery) kina Teodosio at Villanueva; paglabag sa PD 1612 (Anti-Fencing Law of 1979) ang isasampa laban kay Lim.

Leonard Basilio, may dagdag na ulat sina Mary Joy Sawa-An, Darwin Macalla, at Joshua Moya

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …