Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Engineer, misis timbog sa drug ops sa Koronadal (P20-M kita kada buwan)

KORONADAL CITY – Kulong ang isang inhinyero at kanyang asawa makaraan maaresto nang pinagsanib na pwersa ng Koronadal City PNP at City Anti-Drug Abuse Council sa isinagawang drug-buy bust operation sa bahagi ng Corazon St, Brgy. Morales, sa Lungsod ng Koronadal.

Kinilala ang mag-asawang sina Engr. Grace Bermejo Ledesma at Alson Fernandez Ledesma.

Inihayag ni CADAC Action Officer Dr. Glorio Sandig, matagal nang minamanmanan ng mga awtoridad ang nasabing mga suspek bago isinagawa ang operasyon.

Nakuha mula sa mga suspek ang limang malalaking sachet ng shabu na may bigat na 5 gramo bawat isa.

Batay sa mga impormasyon, umaabot sa P5 milyon ang kita ng mag-asawa sa pagbebenta ng droga bawat linggo, ibig sabihin, halos P20 milyon ang kanilang kita sa isang buwan.

Sa ngayon inaalam pa ng mga awtoridad ang kabu-uang halaga ng droga na kanilang nakompiska na ipinadala sa crime laboratory sa General Santos City.

Ayon sa opisyal, nasa top 10 ng drug watchlist ang nasabing mag-asawa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …