Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Liga sa Bilibid nanumpa sa tungkulin (Reporma sa BuCor inilatag )  

HINDI maipangako ng pamunuan ng Bureau of Corrections (BUCOR) na hindi na mauulit ang katulad na insidente sa Sablayan Prison and Penal Farm kahit sibak na sa tungkulin ang superintendent nito dahil kailangan talaga ang tunay na reporma sa Bureau.

Bunsod nito, sinimulan ng liderato ng BuCor at New Bilibid Prisons (NBP) ang paglalatag ng tunay na mga reporma sa Bureau sa mismong Maximum Security Camp (MSC) sa pamamagitan ng pagbibigay halaga sa pakikibahagi ng inmates sa reformation thrust ni BuCor Director Jesus Franklin Bucayu.

Tinanggap ng LIGA ng mga Barangay (LIGA) sa NBP ang hamon sa pagbabalik ng kaayusan sa loob ng MSC nitong nagdaang Sabado.

Ang paninindigan ng LIGA ay ipinakita sa oathtaking  ng 15 bagong baranagy chairmen sa Maximum (MSC) na pinangunahan ni inmate Jaybee Sebastian, na nahalal na Pangulo ng LIGA sa  BuCor.

Si Sebastian ay commander o bosyo sa loob ng 13 taon ng Commando Gang na ngayon ay Barangay Maginoo.

Kabilang din sa pinanumpa sa tungkulin ang 478 inmate bilang  barangay tanod at 109 DALAW Lupon Officers, na mga asawa ng inmates na tumutulong sa loob.           

Sa panayam kay Penal Superintendent, Supt. Richard  Schwarzkopf Jr., matapos ang oathtaking na suportado ng 14 na gang-barangay, sinabing ang mga inmate ay nakatulong sa katahimikan at kaayusan sa loob ng MSC.

Naniniwala ang liderato ng NBP-BuCor na pumihit nang ilang daang degrees tungo sa matino at tahimik na kalakaran sa loob ng MSC dahil sa pakikipagtulungan at pangunguna  ng LIGA ng mga baranagay sa NBP. 

Tiniyak naman ni Supt. Schwarzkopf na sino mang inmate ang lumabag ay isusuko ng LIGA at iimbestigahan ng NBP-BuCor dahil kontrolado pa rin nito ang superbisyon.

Una sa ilang maagang accomplishment ng LIGA ang pagkakatukoy sa mga responsable sa pagpapasabog noong nakaraang buwan na ikinamatay ng isang inmate at ikinasugat ng 19 na iba pa.

 “Para nandoon agad ang discipline, ang barangay chairmen ang magdadala sa amin at magsasabi kung  sino ang culprit,” ani Supt. Schwarzkopf. 

Ani Schwarzkopf, ang pakikisangkot sa LIGA ay pag-iwas sa paggawa ng krimen. Dahil sa LIGA, ang kaisipan nila ay maayos at tahimik, at gusto nilang bumalik sa pamilya. 

Nilinaw ni Supt. Schwarzkopf na hindi lamang mga chairman sa LIGA ang nare-reform kundi pati constituents.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …