Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

 Jeepney barker sugatan sa boga ng TV tecnician

SUGATAN ang isang jeepney barker makaraan dalawang beses barilin sa likod ng isang television technician kamakalawa ng gabi sa panulukan ng Raon at Evangelista Streets, Quiapo, Maynila.

Nakaratay sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Randy Lim, 28, ng 6 Carcer St., Quiapo, Maynila.

Habang tumakas ang suspek na nakilala lamang sa pangalang George, television technician sa Raon Shopping Center.

Ayon kay PO2 Allan Andrew Mateo, imbestigador ng Manila Police District-Police Station 3, naganap ang insidente dakong 8 p.m. sa nabanggit na lugar.

Ayon sa biktima, bumibili siya ng juice sa nasabing lugar nang makarinig siya ng dalawang putok ng baril. Pagkaraan ay nakaramdam siya ng pananakit ng kanyang likod at nabatid na may tama siya ng bala.

Pagtingin sa likod ng biktima, nakita niyang tumatakbo ang suspek habang armado ng baril patungo sa direksiyon ng Rizal Avenue.

Dagdag ng biktima, kilala niya ang suspek dahil malimit siyang maglaro ng computer games sa nasabing shopping center kung saan nagtatrabaho ang salarin.

Ngunit hindi niya batid kung bakit siya binaril ng suspek. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

Leonard Basilio                                         

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …