Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

6,000 ektarya sa Bicol kapos sa patubig

NAGA CITY-Aabot na sa 6,000 ektarya ng lupain na sakop ng National Irrigation Administration (NIA) sa rehiyon Bicol ang apektado ng kulang na suplay ng tubig bunsod ng nararanasang weak El Niño.

Ayon kay Ed Yu, tagapagsalita ng NIA-Bicol, 3,000 ektarya rito ay sa lalawigan ng Camarines Sur, 2,000 sa lalawigan ng Camarines Norte, 500 sa Albay at Masbate, habang 60 ektarya sa Catanduanes.

Bunsod nito, mahigpit na ipinatutupad ngayon ng NIA ang rotation ng pagpapatubig sa nasabing mga lugar upang masuplayan ang mga taniman.

Kaugnay nito, nanawagan ang NIA sa mga magsasaka na sundin ang schedule ng pagpapatubig sa kanila at huwag mang-aagaw ng tubig upang lahat ay mapadaluyan.

Ngunit ayon kay Yu, kontrolado pa ang ganitong sitwasyon at nakahanda rin sila sakaling lalo pang tumaas ang temperatura sa rehiyon.

Una nang sinabi ng opisyal na ilan sa mga pinagkukunan nila ng tubig tulad na lamang ng Lake Buhi sa Camarines Sur, ay bumaba na ang level dahil sa init ng panahon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …