Saturday , November 23 2024

PNoy sisikaping sagipin si Veloso sa firing squad  

SISIKAPIN pa rin ni Pangulong Benigno Aquino III na maisalba sa tiyak na kamatayan si Filipina drug convict Mary Jane Veloso kahit itinakda na bukas ang pagbitay sa kanya sa Indonesia.

Ito ang sinabi ng Pangulo sa kanyang departure speech sa NAIA Terminal 2 bago tumulak patungong Kuala Lumpur, Malaysia para dumalo sa 26th ASEAN Summit.

“Sa pagdalo po natin sa ASEAN Summit na ito, kukunin na rin natin ang pagkakataon na ipagpatuloy ang ating pagsisikap upang matulungan ang kababayan nating si Mary Jane Veloso. Doon sisikapin nating kausapin si Pangulong Joko Widodo ng Indonesia upang iapela muli ang kanyang kaso,” aniya.

Makaaasa aniya ang ating mga kababayan sa loob man o labas ng bansa, ginagawa niya ang lahat ng makakaya para ibsan at tugunan ang mga problema ngayon at hindi na ito maipasa sa mga susunod na administrasyon.

Tatlong beses nang umapela ang Pangulo sa Indonesian government para kay Veloso, noong nakalipas na linggo ay lumiham siya kay Widodo upang bigyan ng executive clemency ang Filipina drug convict, bukod pa sa naunang sulat para judicial review.

Bago kay Widodo ay sinulatan din ng Pangulo si noo’y Indonesian President Susilo Bambang Yudhoyono para bigyan si Veloso ng clemency.

Kasama sa naghatid sa Pangulo sa paliparan kahapon si Vice President Jejomar Binay na kababalik lang sa bansa mula sa Indonesia at nabigong isalba si Veloso sa kabila nang apat na beses na pakikipagulong sa Indonesian officials.

Kaugnay nito, inihayag ng Palasyo na P11.8 milyon ang inilaan ng gobyerno para sa ASEAN trip ng Pangulo.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *