Saturday , November 23 2024

Bahay ni GMA gawing sub-jail under BJMP (Panukala sa Kamara)

BAGAMA’T wala pang desisyon ang Sandiganbayan kaugnay sa apela ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo para sa house arrest, isinulong ng isang mambabatas na gawing sub-jail ang bahay ng dating punong ehekutibo sa La Vista upang doon na lamang siya ikulong.

Inihain ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, dating alyado ng incumbent Pampanga solon, at kapatid na si Abante Mindanap party-list Rep. Maximo Rodriguez Jr., ang House Bill 5686, naglalayong gawing sub-jail ang bahay ni Arroyo ngunit isasailalim sa pangangasiwa ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Sinabi ni Rep. Rufus Rodriguez, kapag naisabatas ang kanyang panukala, ito ay magiging special treatment kay Arroyo. Gayonman, ang pagtrato aniyang ito ay dahil sa humanitarian reasons.

“Well, there is always special treatment because first, she is a former president. Secondly, she is a lady. And third, she is very, very sick, that would qualify (for her to) have a special treatment for humanitarian reasons,” aniya.

 

 

 

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *