Saturday , November 23 2024

3 Mayors bakbakan sa 2016 (Speaker Belmonte, llamado…)

FRONTTATLONG alkalde ang posibleng magbakbakan sa darating na eleksiyon sa 2016 para sa susunod na Pangulo ng bansa.

Nag-init na ang eleksiyon ngunit hindi pa rin nakapagpapasya si Pangulong Noynoy Aquino kung sino ang kanyang ‘mamanukin’ upang ipagpatuloy ang kanyang ‘Daang Matuwid.’

Sa mga naghahangad maging pangulo, tatlong alkalde ang lumitaw na posibleng maglaban sa katauhan nina dating Makati City Mayor Jejomar Binay, Davao City Mayor Rodrigo Duterte at dating Quezon City Mayor Sonny Belmonte.

Ayon sa persepsiyon ng publiko, si Binay ay may mga nagawa noong alkalde pa siya ng Makati ngunit sangkaterbang isyu ng pandarambong ang kanyang kinasangkutan.

Si Duterte ay biglang lumitaw dahil sa imahe niyang matapang at matigas sa pagpapatupad ng batas laban sa mga kriminal kaya maganda ang Davao pero takot naman umano ang nararanasan ng mga taga-Davao. Si House Speaker Belmonte ay siyam na taon naging alkalde ng Quezon City na noo’y lubog sa kumunoy ng utang pero isang taon lamang ang lumipas ay umapaw ang kaban ng lungsod hanggang lisanin niya ito noong Hunyo 2010.

Katunayan, batay sa ulat noon ng Commission on Audit (COA), hindi nakaporma kay Belmonte si Binay patungkol sa mahusay na pamamahala ng lungsod kung ang pag-uusapan ay kaban ng bayan.

Signipikanteng bilang ng mga taga-Liberal Party (LP) ang itinutulak umano ang pangalan ni Speaker Belmonte bilang kanilang kandidato dahil bukod sa marami nang pinatunayan, kailanman ay hindi siya nasangkot sa anomalya. Kailanman ay hindi nasabit ang pangalan ni Belmonte sa mga politikong nagnakaw ng pondo ng pamahalaan kahit noong panahon na siya ang alkalde ng Quezon City hanggang ngayon sa Kamara.

Sa pinakahuling survey patungkol sa Trust Rating, tanging si Belmonte lamang ang tumaas ang antas o grado sa hanay ng mga kilalang kaalyado ng Pangulo.

Jethro Sinocruz

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *