Saturday , November 23 2024

Amang dumalaw sa anak tinarakan ng 3 istambay

KRITIKAL ang kalagayan ng isang padre de familia nang saksakin ng lasing na kanyang nakaalitan matapos dumalaw sa kanyang anak sa dating kinakasama sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Nilalapatan ng lunas sa Chinese General Hospital ang biktimang si Ferdinand Lopez, messenger ng Biz News Asia, residente ng  Bagak Street, Tondo, Maynila, sanhi ng da-lawang saksak sa kaliwang bahagi ng dibdib.

Habang pinaghahanap ng mga awtoridad ang suspek na si Orly Callejo, at da-lawang hindi pa nakikilala na mabilis nakatakas matapos ang pananaksak.

Sa ulat na nakarating kay Supt. Joel Villanueva, station commander ng MPD PS7, dakong 11:37 a.m. nang maganap ang insidente sa Pilar St. kanto ng Hermosa St., Tondo.

Naglalakad ang biktima mula sa bahay ng dating kinakasama nang madaa-nan niya ang suspek na nakikipag-inoman.

Sa hindi nabatid na dahilan ay nagtalo ang dalawa hanggang pagtulungang saksakin ng tatlong suspek ang biktima.

Leonard Basilio, may dagdag na ulat sina Mary Joy Sawa-An, Joshua Moya, at Darwin Macalla

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *