Mahusay na water management kailangan
hataw tabloid
April 24, 2015
News
NAGSASAYANG ang Filipinas ng maraming tubig at kung nasa Israel ang 10 porsiyentong tubig na ating sinasayang, ito ay malaking tulong sa pagpapataas ng food production ng nasa-bing bansa.
Ito ang inihayag ng Israeli members ng Philippines-Israel Business Association, na miyembro rin si inventor-agriculturist Gonzalo Catan Jr., executive vice president ng Mapecon Green Charcoal Philippines, Inc., at misis ni-yang si dating Nancy Russel.
Ikinalungkot ni Catan na ang bansa ay maraming tubig na dulot nang malakas na mga pag-ulan ngunit hindi ito lubusang magamit pagsapit ng tagtuyot na nagresulta sa malaking pagkalugi sa produktong agrikultura na umaabot sa bilyon-bilyong piso.
Nagkakaroon nang maraming tubig ang bansa sa panahon ng tag-ulan ngunit hindi sapat para sa irigas-yon pagsapit ng summer, aniya, idinagdag na ang ulan ay para sa mga sakahan, hindi sa karagatan.
Hindi aniya ito ang ma-giging senaryo kung mayroon lamang tayong mahusay na water management program. Sa tulong ng pamahalaan, ang mga magsasaka ay maaaring magtayo ng impounding mini dams katulad ng sa ilang bahagi ng Cordillera region na mayroong maliliit na impounding dams upang mabawasan ang epekto ng tagtuyot sa mga pananim.
Sa panahon ng tagtu-yot, ang Cordillera ay may minimal damage sa kanilang pananim dahil sa sapat ang tubig mula sa impounding projects sa estratehikong bahagi ng river systems at maliliit na dams na itinayo sa tulong ng mga ahensiya ng gobyerno.
Ang water management, ayon kay Catan, ay ipinatutupad na sa iba’t ibang mga bansa. Sa kanyang pagbisita sa Taiwan, halimbawa, sa 4-H Club sponsorship, may naobserbahan siyang maraming water impounding dams. Araw-araw siyang nakakikita ng water tankers na naghahatid ng tubig sa iba’t ibang sakahan.
Binisita rin ni Catan ang Mararka Foundation sa Jaipur, India. Ang foundation ay may malaking water reservoir sa kanilang basement. Ang tubig ay ini-hahatid sa mga sakahan upang matulungan ang foundation. Nanirahan din si Catan sa farmer family sa Leavenworth, Kansas. Ang pamilya ay nagtayo ng mga dam o ponds para sa ibang mga magsasaka. Ang pamil-ya ay may bulldozer para sa paghuhukay upang mapata-tag ang ponds para sa pag-iipon ng tubig.
Ayon kay Catan, ang Filipino farmers, ay dapat magtayo ng ponds, bilang bahagi ng kanilang farm activity, upang magkaroon sila ng tubig sa buong taon. Gayondin ay makatutulong ito para hindi bahain ang kanilang mga sakahan.