Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Chinese natagpuang patay sa pumping station sa Pasay

NATAGPUANG palutang-lutang sa pumping station ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang isang hindi nakilalang lalaking Chinese looking sa Pasay City kahapon ng umaga.

Inilarawan ng pulisya ang biktimang nasa 55 hanggang 60-anyos, maiksi ang buhok, katamtaman ang pangangatawan at nakasuot ng gray polo shirt at itim na pantalon at may lamang P520 ang kanyang pouch.

Base sa imbestigasyon ni SPO3 Joel Landicho, dakong 8:45 a.m. nang matagpuan ng isang Jerold Lee Gaestos ang biktima na palutang-lutang sa MMDA Pumping Station sa panulukan ng Libertad St., at  Roxas Boulevard, Reclamation Area ng naturang lungsod.

Aniya, walang palatandaan na pinatay ang biktima dahil walang nakitang ano mang sugat sa katawan.

Matatandaan, kamakailan ay isang Chinese national ang dinukot ng dalawang hindi nakilalang lalaki sa Makati City.

Ang labi ng biktima ay agad  dinala sa Rizal Funeral Parlor upang isailalim sa autopsy.

Jaja Garcia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …