Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pamilyang tulak tiklo sa P25-M shabu

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Anti-Illegal drugs (QCPD-DAID) ang mag-asawang drug pusher na isinama pa ang kanilang dalawang batang anak sa pagtutulak, makaraan bentahan ng P50,000 halaga ng shabu ang isang pulis sa drug bust operation kamaka-lawa ng gabi sa Quezon City.

Bukod sa P50,000 halaga ng shabu, nakuha rin sa mag-asawang tulak ang 500 pang gramo ng shabu, na umabot ang street value sa P2.5 milyon.

Sa ulat kay Chief Supt. Joel D. Pagdilao, QCPD director, kinilala ang mga naaresto na si Abdul Abbas Batugan, alyas Charlie, 25, at misis niyang si Nasimah Abedin Batugan alyas Lorie, 23, at ang dalawa nilang anak na may gulang na 13 at 14-anyos.

Ang mag-asawa ay tubong Marawi at pansamantalang nakatira sa Aljuda Street, Phase 12, Brgy. 188, Tala, Caloocan City.

Ayon kay Chief Insp. Roberto Razon Sr., hepe ng District Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group (DAIDSOTG), dakong 11:55 p.m. kamakalawa nang maaresto ang mga suspek sa Quirino Highway malapit sa Brgy. Kaligayahan, Quezon City.

Ayon sa opisyal, dina-kip ng kanyang mga tauhan ang mag-asawa makaraan bentahan ng P50,000 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

Sa isinagawang inspeksyon sa dalang sasak-yan ng mag-asawa na isang Toyota Corolla (UHV 692), nakita sa loob nito ang 500 gramo pang shabu.

Almar Danguilan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …