Saturday , November 23 2024

Manual polls last option — Comelec

PINAWI ng Comelec ang pangamba ng publiko sa posibilidad na bumalik ang bansa sa full manual elections o kaya ay “no election” sa taon 2016.

Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, gagawin nila ang lahat ng option para matuloy ang automated elections, kasama na ang paghahain ng motion for reconsideration sa Supreme Court (SC).

Bagama’t sinabi ni dating Chairman Sixto Brillantes na hindi maiaalis sa posibilidad ang balik sa mano-manong halalan, hindi aniya ito ang opisyal na pananaw ng poll body ngayon.

Naniniwala si Jimenez na magagawan pa ng paraan ang gusot na ito dahil mahaba pa ang panahon para sa election preparation.

Nagpapasalamat din ang Comelec na maagang inilabas ang SC ruling kaysa magulat ang lahat kung malalaman ito sa loob ng maikling panahon, na wala na silang tyansang makapaghanap ng ibang paraan.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *