Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sanggol, paslit ini-hostage ng 15-anyos tiyuhin

081714 crime scene yellow tape

KALABOSO ang isang 15-anyos binatilyo makaraan i-hostage ang mga pamangkin niyang isang sanggol at paslit habang armado ng patalim kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Ang suspek na nakatakdang dalhin sa pangangalaga ng Department of Social Walfare Development (DWSD) ay itinago sa pangalang James, ng Camarin ng naturang lungsod.

Batay sa  nakalap na ulat kay acting Caloocan Police chief, Supt. Ferdinand Del Rosario, dakong 5 p.m. nang biglang i-hostage ng suspek na armado ng kutsilyo ang 7-anyos batang lalaki at siyam buwan gulang na sanggol sa bahay ng mga biktima sa San Vicente Ferrer, Camarin ng nasabing lungsod.

Pilit na kinombinsi ng mga kaanak ang suspek na pakawalan ang mga biktima ngunit hindi nakinig kaya napilitan silang tumawag ng pulis.

Makaraan ang ilang oras, hindi pa rin pinapakawalan ng suspek ang kanyang mga pamangkin kaya puwersahang pinasok ng mga pulis ang bahay at inaresto ang binatilyo. 

Ayon sa ina ng mga biktima na pinsan ng suspek, ilang araw na niyang napapansin na balisa ang binatilyo at sinasabing gusto nang umuwi sa kanilang  probinsya ngunit walang pasahe dahilan upang maburyong at ini-hostage ang mga pamangkin.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …