Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

CA justice pa isinangkot sa ‘Justice for Sale’

court of appealsISA pang Court of Appeals (CA) justice ang irereklamo ng grupong Coalition of Filipino Consumers sa Supreme Court (SC) kaugnay ng “justice for sale.”

Sinabi ni Perfecto Jaime Tagalog, secretary general ng Coalition of Filipino Consumers, iba pa ito sa dalawang CA justices na ayon kay Sen. Antonio Trillanes ay sinuhulan ng pamilya Binay upang makakuha ng temporary restraining order (TRO) para sa suspensiyon ni Makati Mayor Junjun Binay.

Gayonman, tumanggi muna si Tagalog na pangalanan ang tinutukoy na CA justice, maging ang kanyang source.

Ngunit pagtitiyak niya patungkol sa source, “Ito po’y galing mismo sa aktibong justice na kasama rin po nila na nangangamba at nababahala po sa kalakaran ng ating hudikatura.”

“‘Yung una nating requirement sa kanya noong siya po ay humingi ng tulong at lumapit sa Coalition of Filipino Consumers na dapat siya ay tatayuan at maninindigan dito sa mga alegasyon na binigay niya.”

Sumulat na aniya sila kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno para ihirit na pangunahan ang imbestigasyon bagama’t kailangan muna nilang maghain ng kaso sa Korte Suprema bago aralin ng punong mahistrado.

Banggit ni Tagalog, inaayos na ng kanilang mga abogado ang ihahaing kaso.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …