Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

MILF hinamon ni Sen. Chiz (Sa Mamasapano case)

HINAMON ni Senador Francis Escudero ang MILF na harapin ang mga isasampa sa kanilang kaso kaugnay sa insidente sa Mamasapano, Maguindanao.

Ginawa ni Escudero ang hamon kasunod ng pahayag ng MILF na walang kasalanan ang kanilang mga tauhan sa pagkamatay ng SAF 44 dahil ‘self defense’ ang kanilang ginawa at bilang rebelbeng grupo ay hindi nila kinikilala ang batas ng estado.

Desmayado si Escudero dahil kung ang lahat ay ikakatwiran na hindi sila naniniwala sa mga batas ng bansa ay wala nang maaaring kasuhan.

Binigyang-diin ni Escudero, hindi maaaring ikatwiran ng MILF na bilang revolutionary group ay may ‘immunity’ sila ‘from suit’ dahil applicable lamang ang ‘immunity’ kung pirmado na ang kanilang kasunduan sa gobyerno.

Nilinaw rin ni Edcudero na alinsunod sa batas, ang mga maaari lamang gumamit ng mga alyas ay nasa sining at kultura ngunit hindi kasama ang mga rebeldeng grupo.

Pinagsabihan din ni Escudero ang government peace panel at Office of the Presidential Adviser on The Peace Process na bawasan ang kanilang yabang at pagiging agresibo sa pagsagot sa mga tanong sa panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL).

Cynthia Martin

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …