Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 riding-in-tandem utas sa checkpoint sa Bulacan

081714 crime scene yellow tapeTATLO ang agad namatay habang isa ang idineklarang dead on arrival sa pinagdalhang ospital sa apat kalalakihang sakay ng dalawang motorsiklo makaraan makipagbarilan sa mga pulis sa inilatag na checkpoint sa McArthur Highway, sakop ng Brgy. Longos, sa Lungsod ng Malolos, Bulacan kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang mga napatay na sina Reynaldo Dumayan ng Navotas City, Jose Mirasol at Wilson Arboleda ng Caloocan City, at isang nakilalang Jerry Anoy na sinasabing kalalabas pa lamang ng New Bilibid Prison dahil sa hindi nabatid na kaso.

Ayon sa ulat, dakong 1 a.m. nang parahin ng mga pulis ang mga suspek sa checkpoint ngunit imbes huminto ay pinagbabaril ng mga suspek ang patrol car kaya gumanti ng putok ang mga awtoridad.

Narekober  mula  sa  pag-iingat ng mga suspek ang tatlong kalibre .38 revolber, isang kalibre .45 pistola, mga bala at dalawang motorsiklo.

Daisy Medina

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …