Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

PNoy hihingi ng saklolo sa ASEAN vs China

081714 china phHIHINGI ng saklolo si Pangulong Benigno Aquino III sa mga pinuno ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) para maglabas ng “collective statement” na kokondena sa reclamation activities ng China sa West Philippine Sea.

“Definitely the reclamation issue will be the main topic that the President will raise during the agenda item of the Retreat on discussions of regional and international issues. This is a meeting of his fellow ASEAN leaders. Of course, we would always aim for a collective statement, this time on the issue of the reclamation of some features in the South China,” sabi ni Foreign Affairs Secretary Luis Cruz sa press briefing sa Palasyo kaugnay sa pagdalo ng Pangulo sa 26th ASEAN Summit sa Kuala Lumpur, Malaysia sa Linggo.

Nauna nang napaulat ang mga larawan nang lumalawak na reclamation activities ng China, partikular ang pagtatayo ng airstrip sa Panganiban Reef, na binatikos ng G-7 at ni US President Barack  Obama.

Kaugnay nito, inihayag ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr. na pinaplantsa na ang mga detalye sa “strategic partnership agreement” na lalagdaan ng Filipinas at Vietnam kaugnay sa pangangakamkam ng China sa mga isla sa West Philippine Sea na inaangkin din ng dalawang bansa.

“The details of the proposed strategic partnership are still being defined and worked out by the two countries. That’s the current status,” sabi ni Coloma.

Samantala, ipinabeberipika ng Palasyo sa Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Navy (PN) ang report na  ginamitan ng water cannon ng Chinese Coast Guard ang 80 mangingisdang Filipino para itaboy sa Panatag Shoal na isa sa mga isla na inaangkin din ng Filipinas sa West Philippine Sea.

Rose Novenario

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …