Monday , December 23 2024

Convicted drug lord arestado sa labas ng penal colony (Sa buy-bust ops ng NBI)

 FRONT

GUGULONG ang ulo ng ilang opisyal ng Sablayan, Penal Colony sa Occidental Mindoro makaraan maaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang convicted drug lord na ineskortan pang lumabas sa kanyang kulungan at nakipagtransaksiyon  sa  NBI  agent sa buy-bust operations.

Hawak ngayon ng NBI ang suspek na si Ruben Tiu at escort niyang si Ahrbe Duron, jailguard ng Bureau of Corrections.

Ayon kay NBI Director Virgilo Mendez, naaresto ang suspek noong April 17 sa labas ng Sablayan Penal Colony sa Brgy. Yabang, Sablayan, Occidental Mindoro.

Sinabi ng NBI-Anti Illegal Drugs Unit, bago ang isinagawang buy-bust operation, isang NBI poseur buyer ang nakipagtransaksiyon kay Tiu na nagpanggap na bibili ng shabu.

Paliwanang ng NBI, ang  naunang  mga  operasyon ay naunsiyami dahil hindi si Tiu ang unang nakikipagtransaksiyon sa kanila kundi ilang mga preso ngunit noong igiit ng mga operatiba ng NBI na kinakailangang siya mismo ang mag-abot ng shabu at pinaniwala siyang may dalang mga ‘babae’ ang NBI, na mga operatiba rin, ay lumantad si Tiu at sa aktong iniaabot ang isang kilo ng hinihinalang shabu ay inaresto kasama ang escort na jailguard.

Narekober sa operasyon ang isang kilo ng shabu, ang kalibre .45 baril ni Duron at isang walang plaka na silver Toyota Innova na sinakyan ng tatlong escort ni Tiu.

Ayon kay Mendez, bago ang pagkakaaresto kay Tiu, nagpaalam siya sa ‘loob’ para makalabas ng BuCor, kaya iimbestigahan din ng NBI kung sinong opisyal ng BuCor ang pumayag na palabasin si Tiu at eskortan pa ng jailguards.

Si Tiu ay unang naaresto sa Makati City sa kasong  droga noong 1999 at noong 2000 ay inilipat sa Sablayan Penal Colony. Pinaniniwalaan din ng NBI na may nakatakas na mga preso na nagsilbing look out ni Tiu makaraan magtakbuhan ngunit hindi ipinagpatuloy na tugisin ng NBI dahil sa kasukalan ng lugar.

Nabatid na nag-alok si Tiu ng P15 milyon sa mga operatiba ng NBI para ibalik siya sa kulungan at palabasin na walang nangyaring drug transaction.

Kasong paglabag sa Section 5 (Sale of  Dangerous Drugs ) ang isasampa laban kay Tiu habang paglabag sa Section 26 in relation to Section 5 (Conspiracy to Sell Dangerous Drugs) at Article 223 (Conniving and Consenting to Evasion) laban kay Duron.

Leonardo Basilio

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *