Saturday , November 23 2024

Wish ni Erap pabor kay GMA sinopla ng palasyo

erap gmaSINOPLA ng Palasyo ang birthday wish ni ousted president, convicted plunderer at Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada na “house arrest” para kay dating pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr., mainam na ipaubaya sa hukuman ang pagpapasya hinggil sa hirit na house arrest para kay Arroyo na kasalukuyang naka-hospital arrest bunsod ng kasong plunder.

Giit ni Coloma, tungkulin ng prosecutors ng Department of Justice (DoJ) na tukuyin ang usaping ito, kapag may naghain ng petisyon sa hukuman.

Si Erap ay nagdiwang ng kanyang ika-78 kaarawan kahapon.

Matatandaan na si Arroyo ang nagbigay ng pardon kay Erap kaya nakalaya kahit nahatulan ng habambuhay na pagkabilanggo ng Sandiganbayan sa kasong plunder noong 2007.

Si Arroyo ay naka-hospital arrest mula noong Nobyembre 2011 at hiniling ni international human rights lawyer Amal Clooney sa United Nations Human Rights Commission na palayain siya dahil sa aniya’y paglabag sa karapatang pantao at may bahid politika ang patuloy na pagkakapiit sa dating pangulo.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *