Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dalagita niluray ng manliligaw  

NAGA CITY – Arestado ang isang 18-anyos binatilyo makaraan halayin ang 17-anyos dalagitang kanyang nililigawan sa Candelaria, Quezon.

Kinilala ang suspek na si Ernesto Morales ng nasabing bayan.

Nabatid na nanonood ng basketball ang biktima kasama ang isa niyang kaibigang lalaki nang biglang makita sila ng suspek na tiningnan sila nang masama.

Nabatid na nanliligaw ang suspek sa biktima at ayaw niyang makitang may kasamang iba ang dalagita.

Agad lumayo ang kasama ng biktima habang nagdesisyon ang dalagita na mag-isang umuwi.

Sa paglalakad pauwi ay hindi namalayan ng biktima na sinusundan pala siya ng suspek at pagdating sa madamong bahagi ng kanilang barangay ay bigla na lamang siyang hinila, inihiga at ginahasa.

Nanlaban ang biktima ngunit dahil sa malakas ang suspek ay natuloy ang panghahalay.

Agad nagsumbong sa kanyang mga magulang ang biktima nang makauwi sa kanilang bahay.

Hindi nagdalawang isip pa ang magulang ng biktima na dumulog sa mga pulis na naging daan para madakip ang suspek.

Nakakulong na sa Candelaria MPS ang suspek habang inihahanda na ang kasong isasampa laban sa kanya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …