Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Call center agent tumalon mula 4/f, patay

BAGUIO CITY – Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang isang 33-anyos babaeng call center agent makaraan tumalon mula sa ika-apat na palapag ng library building ng Saint Louis University sa Lungsod ng Baguio kamakalawa ng gabi.

Ang hindi pa pinangalanang biktima ay 33-anyos, nagtapos ng kursong Education sa nasabing unibersidad, at nagtatrabaho bilang call center agent sa City of Pines.

Ayon sa mga awtoridad, maaaring sinadya ng biktima ang magpakamatay base sa mga mensahe sa kanyang cellphone.

Napag-alaman, bago ang insidente, pumasok siya sa library dakong 3 p.m. at hinintay na umalis ang iba pang mga estudyante roon.

Naghintay siya sa loob ng comfort room ng ika-apat na palapag ng gusali at nagkaroon sila ng palitan ng mensahe ng kaibigan niyang babae, sa huling mensahe ay ipinagkatiwala niya ang lahat ng kanyang kagamitan.

Napag-alaman, na-diagnose na may bipolar mental problem noong nakaraang taon ang biktima at laging nade-depress dahil sa problema sa pamilya.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad  sa insidente. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …