Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pinay na biktima ng hit & run sa Dubai dumating na

teresita castroDUMATING na sa bansa ang isang Filipina worker na nanatili nang dalawang taon sa ospital makaraan masagasaan at takbuhan ng suspek, at maparalisado sa Dubai noong 2013.

Bandang 4 p.m. nitong Huwebes (Marso 25) nang dumating sa Mactan Cebu International Airport ang naparalisang si Teresita Castro.        

Kasama ni Castro ang isang Filipina nurse na nagtatrabaho sa Dubai, at kabilang sa tumulong sa kanya.

Sa tulong ng isang grupo ng mga propesyonal na pawang taga-Asturias, isang bayan sa Cebu, at nagtatrabaho sa Filipinas at karamihan ay nasa ibang bansa, kaya nakauwi si Castro.

Sinalubong sila ng ilang kinatawan ng munisipyo ng Asturias dala ang ambulansiya na ginamit hanggang maihatid siya sa infirmary clinic sa kanilang bayan.

Ang Filipina ay may anim na anak at walang hanapbuhay ang kanyang mister.

Jaja Garcia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …