Monday , December 23 2024

Allowance ng AFP at PNP dinagdagan (Epektibo mula Enero 2015)

FRONTIPATUTUPAD na ang panukalang dagdag-subsistence allowance na isinulong ni Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV matapos pirmahan ni Pangulong Benigno Aquino III ang joint resolution para sa mga sundalo, pulis at iba pang unipormadong kawani ng gobyerno.

“Matagal-tagal na rin mula noong huling tinaasan ang subsistence allowance ng ating mga sundalo at pulis. Napakahalaga ng kanilang papel sa pagpapanatili ng kapayapaan sa ating bansa at napakalaki ng kanilang isinasakripisyo para sa atin pero napakababa ng suweldo ng uniformed personnel. Nagpapasalamat tayo at natugunan na ang kakulangang ito ng ating gobyerno,” ani Trillanes, pangunahing may-akda at sponsor sa Senado ng nasabing batas.

Pinasalamatan ni Trillanes si Pangulong Aquino sa patuloy na pangangalaga sa kapakanan ng mga sundalo at pulis, at pagkilala sa kanilang sakripisyo para sa bansa lalo na ngayong kabi-kabila ang krisis na kanilang kinakaharap.

Umaasa rin si Trillanes na maiangat ang kanilang morale upang mas maging inspiradong magsilbi sa bayan.

Dagdag ni Trillanes, chairman ng Senate Committee on National Defense and Security, “Nawa sa pamamagitan ng batas na ito ay mapataas natin ang morale ng ating mga sundalo at mahikayat na ipagpatuloy ang kanilang mga sakripisyo para sa bayan.”

Sa ilalim ng bagong batas, tatanggap ng P150 mula sa kasalukuyang P90 subsistence allowance ang mga miyembro Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP); kadete ng Philippine Military Academy at Philippine National Police Academy (PNPA); Philippine Coast Guard (PCG) at mga kandidatong Coast Guard men, at mga unipormadong kawani ng National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA) epektibo nitong Enero ng taon.

Samantala, ipinagmamalaki nina Magdalo representatives Gary Alejano at Francisco Ashley Acedillo, kasama ni Trillanes na umakda ng resolusyon,  ito ay tagumpay para sa mga sundalo at pulis.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *