Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aguinaldo bagong CoA chairman

COA chairmanITINALAGA ni Pangulong Benigno Aquino III kahapon si Atty. Michael Aguinaldo bilang bagong chairman ng Commission on Audit (CoA) kapalit nang nagretirong si Grace Pulido-Tan.

Si Aguinaldo ay nagsilbing deputy executive secretary for legal affairs mula noong Abril 2011.

Kabilang sa mga naging trabaho niya sa Palasyo ang pagrepaso sa mga panukalang batas sa Kongreso at kasong administratibo na iniapela sa Office of the President (OP).

Isa rin si Aguinaldo sa mga nagbibigay ng legal na payo kay Pangulong Aquino.

Naging propesor si Aguinaldo sa Ateneo Law School habang sa De La Salle University nagtapos ng kursong Philosphy.

Sa Ateneo siya nagtapos ng Law at 7th placer sa bar exams noong 1993. Nakuha niya ang Masters of Law Degree sa University of Michigan noong 1997.

Bago pumasok sa gobyerno, nanggaling siya sa Romulo Mabanta Buenaventura Sayoc & Delos Angeles Law Office.

Rose Novenario

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …