Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

3 drug pusher tiklo sa shabu at baril

112514 crime sceneCAMP OLIVAS, Pampanga – Nasakote ng mga elemento ng Anti-illegal Drug Force ng San Fernando Police, sa pakikipagtulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency-3 (PDEA-3) ang isang lalaki at dalawang babaeng hinihinalang notoryus na drug pusher sa buy-bust operation sa Brgy. Quebiawan, City of San Fernando.

Sa ulat ni Supt. Rechie Duldulao, hepe ng San Fernando Police, sa tanggapan ni Senior Supt. Rodolfo Recomono Jr., Pampanga Police Provincial Director, hindi nakapalag ang ang mga suspek na sina Augusto Rivera alyas Balbas; Loreta Ligtag, alyas Let, 35; at Amy Manlapaz, 34, pawang ng Meranda Compound, Brgy. Quebiawan, nang damputin ng mga pulis habang iniaabot sa poseur buyer ang dalawang large size plastic sachet na naglalaman ng shabu kapalit ang P2,000 marked money sa buy-bust operation sa nasabing barangay.     

Bukod sa shabu ay nakompiskahan din ang mga suspek ng isang .45 kalibre ng baril na may apat na bala, at isang motorsiklo.

Leony Arevalo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …