Sunday , December 22 2024

Ligtas ang lahat sa Earth Hour — Roxas

earth hourKASABAY ng pakikiisa ng buong Pilipinas sa ‘Earth Hour’ ngayong Marso 28, siniguro ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na nakaalerto ang buong Philippine National Police (PNP) laban sa mga krimeng maaaring maganap sa dilim.

Ayon kay Roxas, gumagalaw ang pulisya alinsunod sa OPLAN Lambat-Sibat, ang mas pinalawak na taktika ng PNP laban sa krimen, sa pamamagitan ng isang ‘hindi bara-bara, hindi kanya-kanya, at hindi ningas-cogon’ na pamamaraan.

“Kung dati, namumutiktik ang mga kriminal sa dilim. Ngayon, takot na rin sila sa dilim dahil buong PNP ang humahabol sa kanila,” ani Roxas.

Dagdag niya, kaligtasan para sa sambayanan ang kontribusyon ng PNP sa mga lugar na makikiisa sa Earth Hour, at sa bawat pamilyang magpapatay ng kanilang mga ilaw mula 8:30 hanggang 9:30 ng gabi.

Hinihikayat rin ng pamahalaan ang lahat ng lungsod, munisipalidad, at mga barangay na suportahan ang Earth Hour sa pamamagitan ng pagbibigay-alam nito sa kanilang nasasakupan.

“Good governance is not only for the people, but also for the environment. Mahalaga ang kalikasan sa ating mga komunidad,” pahayag ni Roxas.

Ayon kay Roxas, hindi mahihirapan at mag-aalangan na sumunod sa mga ganitong uri ng environmental challenge ang mga tao dahil unti-unting bumababa ang bilang ng krimen sa mga pamayanan.

Sinimulan ng World Wide Fund ang Earth Hour noong 2007 upang ipaalam sa buong mundo ang kanilang panawagang patayin ang lahat ng ilaw sa loob ng isang oras sa isang araw, at mamuhay ng isang low-carbon lifestyle para makabawas sa lumalalang epekto ng Global Warming.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *