Sunday , December 22 2024

Sanggol namatay sa meningococcemia (Sa CamSur)

082914 dead babyBINAWIAN ng buhay ang isang 11-buwan sanggol dahil sa sakit na meningococcemia sa Fernando, Camarines Sur, ayon sa report na natanggap ng Department of Health (DoH).

Ayon sa DoH, noong Marso 17 namatay ang sanggol at dahil positibo sa sintomas ng meningococcemia ang biktima ay agad inilibing at binigyan ng prophylaxis ang mga naging close contact.

Samantala, iimbestigahan ng Philippine Integrated Disease Surveillance ng Bicol ang nasabing insidente.

Sa natanggap na ulat ng DoH, bago nadala sa ospital ang sanggol ay mayroon na siyang rashes sa ulo at katawan, nilalagnat, hirap sa paghinga, nangingitim at balisa kaya huli na ang pagbibigay sa kanya ng lunas at agad binawian ng buhay.

Samantala, pinayuhan ni Gloria Balboa, regional director for DoH Bicol, ang mga residente ng rehiyon na maging alerto sa mga sintomas ng meningo na maaaring tamaan kahit sino.

Kabilang aniya sa mga sintomas ay lagnat, ubo, sore throat, at rashes na parang mapa ang itsura, karaniwang nagsisimula sa hita at braso, maaari rin na magsuka at makaranas ng stiff neck.

Leonard Basilio

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *