Sunday , December 22 2024

2 mayor sa Makati may hiwalay na flag ceremony

makatiDALAWANG flag ceremony ang idinaos sa lokal na pamahalaan ng Makati City nitong Lunes.

Nabatid na magkahiwalay na seremonya ang pinangunahan nina Makati Mayor Junjun Binay, kasama si Senator Nancy Binay, sa kasalukuyang city hall, at nanumpang acting Mayor Romulo “Kid” Peña sa lumang municipal hall ng lungsod.

Simula nitong Linggo, balik sa Makati City hall quadrangle ang nasa 2,000 tagasuporta ni Binay makaraan makatanggap ng ulat na tatangkain ng grupong sumusuporta kay Peña na pasukin ang bagong city hall building kasunod ng flag raising ceremony.

Todo-tanggi si Peña sa paratang ngunit inaming nagtawag sila ng ceremony sa kalapit na lumang city hall sa J.P. Rizal Street.

Kapwa iginigiit at nagmamatigas sina Peña at Binay na sila ang alkalde ng lungsod. 

Suportado at kinikilala ng department heads at sangguniang panlungsod si Binay, na una nang nakakuha ng temporary restraining order (TRO) sa suspension order laban sa kanya.

Habang panunumpa na suportado ng utos ng Ombudsman at DoJ ang sinasandigan ni Peña bagama’t nabigo siya nang tangkaing pasunurin ang mga department head sa pamamagitan ng memo.

Jaja Garcia

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *