Sunday , December 22 2024

CHR umangal vs draft report ng Senado sa Mamasapano

etta rosalesPINUNA ng Commission on Human Rights (CHR) ang draft committee report ng Senado ukol sa enkwentro sa Mamasapano, Maguindanao na ikinamatay ng halos 70 indibidwal, kabilang ang 44 SAF commandos.

Giit ni CHR chairperson Etta Rosales, nabigong bumatay sa facts ang ulat na masyado aniyang nadala ng emosyon.

Hindi aniya tamang ihayag ng Senado na ‘massacre’ at hindi ‘misencounter’ ang sagupaan dahil armado rin ang PNP Special Action Force (SAF) troopers at may kakayahang lumaban.

“Categorizing the incident as a ‘massacre’ is excessive … This characterization also overlooks the fact that the SAF were armed, albeit outgunned. In other words, although their situation was dire, the SAF were not necessarily helpless or unresisting,” diin ng CHR chairperson.

Sinabi ng CHR na bigo ang Senado na tutukan ang mga sibilyan at Moro Islamic Liberation Front (MILF) fighters na napatay rin sa bakbakan at ang human rights violation na naganap sa enkwentro.

Bukod dito, tinuligsa ng CHR ang mga paratang ng Senate report laban sa MILF, government peace panel at Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP).

Partikular na ikinadesmaya ng komisyon ang alegasyon ng ulat na masyadong naging ‘optimistic’ ang peace panel sa pakikipag-usap sa MILF ukol sa peace process.

“While condemning what happened in Mamasapano, the Commission must caution against broad statements which serve no purpose other than to polarize public opinion,” ani Rosales.

Mali rin aniyang pagdudahan ng ulat ang sinseridad ng MILF sa peace talks makaraan hindi makontrol ang ilang miyembro.

Ampatuan private army sangkot sa Mamasapano Clash – AFP

KINOMPIRMA ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na kasali sa sagupaan sa Mamasapano ang private armed group ni dating Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr.

Sinabi ni AFP Spokesman Brigadier General Joselito Kakilala, karamihan sa mga miyembro ng private army ng mga Ampatuan ay sumali na sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at breakaway group nitong Justice for Islamic Movement (JIM).

Kasalukuyang nakadetine si Ampatuan Sr., at ilan pang kaanak kaugnay ng 2009 Maguindanao Massacre.

Una rito, napag-alaman na hindi lamang MILF at BIFF ang nakabakbakan ng PNP-SAF sa Mamasapano noong Enero 25.

Kasama sa lugar ng sagupaan ang grupong may hawak ng malalaking baril na pinangungunahan ng nagtatagong si Datu Bahnarin Ampatuan na nasa wanted list ng Maguindanao PNP at suspek sa Maguindanao Massacre.

SAF Director bukas sa probe vs 120 troopers

TINIYAK ng bagong talagang hepe ng PNP-Special Action Force (SAF) na bukas ang kanilang hanay sa imbestigasyon sa 120 SAF commandos na inakusahang hindi tumulong sa napapalaban nilang kasamahan noong kasagsagan ng Mamasapano operations.

Ayon kay SAF Director, Chief Supt. Moro Virgilio Lazo,  bagama’t hindi siya naniniwala sa nasabing akusasyon bukas siyang magkaroon ng pagsisiyasat para mabatid ang katotohanan bilang reaksyon sa naging pahayag ni Sen. Antonio Trillanes na nais ng senador na maimbestigahan ang 120 SAF commandos.

Sinabi ni Lazo, wala silang dapat itago at nais din nila na magkaroon nang kalinawan sa lumalabas na mga isyu.

Sa ngayon, nakatutok ang bagong talagang SAF director na ibalik ang morale ng SAF troopers.

Kamakailan lamang binisita ni Lazo ang SAF troopers na nakatalaga sa probinsiya ng Basilan at Zamboanga City.

Bagong tuklas na MILF Camp inabandona na (Sa Iligan City)

KINOMPIRMA ng militar sa Iligan City na abandonado na ngayon ang bagong natuklasang kampo ng MILF sa kabundukan ng Iligan City ngunit buo pa rin ang mga pasilidad nito.

Ayon kay Col. Gilbert Gapay, commander ng Phil. Army’s 2nd Mechanized Brigade, nilisan na ng MILF members ang nasabing kampo.

Una rito, nabatid ng militar ang nasabing kampo makaraan ireklamo ng tribesmen ang presensiya ng mga armadong katao sa kanilang komunidad.

Pahayag ni Gapay, ang nasabing training facility ay hindi kabilang sa recognized MILF camps.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *