Gulo sa Alliance lumulubha
hataw tabloid
March 21, 2015
News
LUMALA ang gulo sa Alliance Select Foods International Inc., sa pagitan ng management at investors dahil sa planong pagdadag ng P1 bilyong pondo ng board sa pama-magitan ng panibagong stock rights offer sa nangungunang tuna manufacturer sa bansa.
Ayon sa source, minamadali ng board of directors ang pagpasa sa pla-nong magsagawa ng panibagong stock rights offer nang hindi pinag-aralan ang financial status ng kompanya bago kumalap ng P1 bilyong pondo.
Nagsumite noong Pebrero 1 ng disclosure sa Philippine Stock Exchange (PSE) at Securities and Exchange Commission (SEC) para sabihing inaprubahan ng board ng Alliance ang pagkalap ng P1 bilyong pondo sa pa-mamagitan ng bagong stock offer kasabay ang planong itaas ang authorized capital stock sa P3 bilyon.
“Dali-daling inapru-bahan ng chairman ng board ang itinaas na authorized capital stock at magsagawa ng stock rights offer na nagkakahalaga ng P1B sa kabila ng mga punang dapat pag-aralan muna ng board ang kondisyong pinansyal nito,” wika ng source.
Nabuo ang desisyong kumalap ng dagdag pondo para sa Alliance sa gitna ng pagkalugi ng kom-panya noong nakaraang taon kahit nakakuha ng karagdagang P564 mil-yon mula sa isang investor.
Noong Oktubre 2014, inakusan ni Jonathan Dee na P220 milyon mula sa P564 milyon pondo ang nagamit na ng kompanya para sa supplies pero hindi naman nagbigay ng paliwanag sa board at shareholders.
Hiniling ng shareholders na buksan ang book of accounts upang makita kung saan napunta ang mga ginastos ngunit hinaharang ito ng mga opis-yal ng Alliance kaya lalong tumitindi ang pag-dududa sa iregularidad sa financial status ng kompanya.
Sinabi ng minority shareholders, ang plano ng board na pagdagdag ng pondo ay isang taktika lamang upang gipitin silang minority shareholders ng kompanya dahil tumutol silang magpaluwal ng pondo sa pagkalugi nito.
Magugunita nang lumubog ang fishing vessel ng Alliance noong nakaraang taon ay tumawag ng imbestigasyon si Hedy Chua sa board upang alamin ang dahilan kung bakit lumubog ang fishing vessel na naglayag nang walang permiso.
Dinidinig ng korte sa kasalukuyan ang isinampang reklamo laban sa mga opisyal ng Alliance dahil sa iregularidad sa paggamit ng pondo nito samantala naghabla rin si Dee at ilang board members laban sa minority shareholders dahil sa pagbubunyag ng company secrets.