Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 patay sa salpukan ng 4 sasakyan sa Quezon  

112514 deadPATAY ang dalawa katao habang dalawa ang sugatan makaraan salpukin ng isang kotse ang dalawang tricycle at isang van sa Brgy. 5, Lucena City, Quezon kamakalawa.

Ayon kay Lucena City Police Director, Supt. Allen Rae Co, nawalan ng kontrol ang driver ng Nissan na si Arwin Flores, dahilan para bumangga siya sa tricycle ni Joel Rojo, van ni Mario Alcantara, at isa pang tricycle na minamaneho ni John Flores. 

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital si John Flores.

Habang agad binawian ng buhay ang backrider niyang si Charmaine Conde makaraan mahulog, masagasaan ng kotse at makaladkad pa ng ilang metro. 

Walang maipakitang lisensya ang Nissan driver na ikinulong na habang inihahanda ang mga kasong isasampa sa kanya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …